Miyerkules, Setyembre 10, 2014

Pinagmulan ng tao

ANG PINAGMULAN NG TAO

PANIMULA:

             Kailan nga ba unang nagkaroon ng tao sa daigdig? Saan tayo nagmula at paano tayo nilikha? Paano nagbago an gating mga kaanyuan? Ano ang mga salik na nagbibigay-daan sa ganitong pagbabago?
            Ilan lamang ito sa mga katanungang tinatangkang sagutin ng mga dalubhasa noon at ngayon. Sa katunayan, maraming kontrobersya ang umusbong bunsod ng mga bagay na may kinalaman sa pagpapaliwanag hinggil sa pinagmulan nng tao. Sa kasalukuyan, dalawang pananaw ang maaaring makapagbigay-linaw ukol sa isyung ito – ang paliwanag ng relihiyon at ang pananaw ng agham. Parehong layunin ng relihiyon at agham na alamin ang katotohanan sa likod ng pinagmulan ng tao at ng kanyang kinalalagyan sa daigdig.

Mga Layunin:
 Sa pagtatapos ng module na ito, ang mga mag-aaral ay maaaring:
Naipaliwanag ang pinagmulan ng ta ayon sa iba’t-ibang relihiyon;
Naipaliwanag ang mga teorya ukol sa pinagmulan ng tao;
Nakapagpapasya kung aling teorya ang paniniwalaan; at
Natutukoy sa mapa ng daigdig ang mga pook na pinagmulan ng tao. 


MGA LAMAN :
1. IBA’T IBANG PANINIWALA UKOL SA PINAGMULAN NGN TAO
2. CREATIONISM
3. NATURALISTIC EVOLUTION
4. EBOLUSYON NG TAO
5. MGA PRIMATE
6. MGA HOMINID
7. THEISTIC EVOLUTION
IBA’T IBANG PANINIWALA UKOL SA PINAGMULAN NG TAO

Sa sinaunang Babylonia, may paniniwalang ang dyos na si Marduk ang lumikha ng daigdig, kalangitan, at tao mula sa kaniyang pagkakagapi sa babaing halimaw na si Tiamat. Ang pagkakahating ginwa ni Marduk kay Tiamat ay nagbunsod ng pagkalikha ng daigdig at kalingitan. Samantala, matapos naman manaig sa asawa niyang si Kingu, ginamit ni Marduk ang dugo nito upang lumikha ng tao.
Para naman sa mga Maya ng Mesoamerica, ang tao ay nilikha ng mga diyos na sina Tepeu at Gucamatz mula sa minasang mais. Ito ay matapos ang ilang nabigong pagtatankang makagawa ng tao mula sa putik at kahoy.
              Sa Hinduism, nagmula diumano sa mga bahagi ng katawan ng kaunaunahang tao si Purusa ang mga taong nabibilang sa iba’t ibang caste. Pinaniniwalaan sa Hinduism at Buddhism na ang paglikha ay patuloy at paulit-ulit lamang. Ang isang nilalang ay ipinapanganak, mabubuhay, mawawala sa daigdig at muling ipapanganak. Sa Islam, ang lahat ng nilikha ay nagmula kay Allah, ang tangi at nag-iisangdiyos ng mga Muslim. Ang pananaw ng Judaism ukol sa paglikha ay halos katulad ng pananaw ng mga Kristyano. Lahat ay nilalang ng isang makapangyarihang Panginoon.
              Samantala, ang pasimula ng Japan at mga mamamayan nito ay nagmula sa mga diyos sa sina Izanagi at Izanami. Sa China, ang pasimula ay sa isang tinatawag na cosmic egg. Mula sa itlog na ito ipinanganak ang higanteng diyos na si Phan Ku o Pangu. Sa kanyang pagkamatay, umusbong ang  mga tao mula sa mga pulgas ng kanyang katawan. Sa Pilipinas, ang mga Tagalog ay may kuwento tungkol sa paglabas nina Malaks a Maganda mula sa isang kawayan. Ganito rin ang isinasaad ng mito ng mga Bisaya. Mula sa tinukang kawayan lumabas ang unang lalaki, si Sikalak, at ang unang babae, si Sicavay. Ang mga taga-Cordillera ay naniniwalang galling sila kay Kabunian.
CREATIONISM
              Ang lahat ng uri ng hayop sa kasalukuyang panahon at amaging lahat ng nangwala na ay kaanak ng mga unang hayop na nilikha ng Diyos sa loob lamang ng anim na araw. Ito ang pinakalaganap na paniniwala ng madla ukol sa pinagmulanng tao na tinatawag na Creationism.
Maraming uri ang kaisipang Creationism, particular sa mga relihiyong Judaism, Kristiyanismo at Islam. Sa halos 12 na sistemang paniniwalang nakapaloob ditto, maaari itong uriin sa dalawang pangkat – Youth Earth Creationists at Old Earth Creationists:
Youth Earth Creationists. Sila ay naniniwala na ang daigdig, mga nilalang, at lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos halos 10,000 taon na ang nakalilipas. Kakaunting pagbabago na lamang ang  naganap sa mga uri o species ng mga nilalang matapos ang paglikhang ito. Walang panibagong uri ang lumitaw at nalikha. Ang konseptong ito ay itinaguyod ng mga taong naniniwala sa kawalang-kamalian sa sagradong aklat ng Bibliya at sa pagpapakahulugan nitong literal.
Old Earth Creationists. Sila ay naniniwala na ang daigdig ay may ilang bilyong taon na ang naririto. Ito ay mula sa mga ipinapakita ng heolohiya at mga makabagong kagamitan hinggil sa pagtatakda ng panahon. Gayumpaman, sila ay naniniwala na ang daigdig at lahat sa kalawakan ay nilikha ng Diyos.
Para sa mga siyentistang nag-aaral ukol sa daigdig at biyolohiya, ito ay hindi kapani-paniwala. Sinasabing marami diumano sa mga siyentistang ito ang may agam-agam ukol sa maaaring hindi ito nagsasaad ng katotohanan. Sila ay naniniwala na ang mga nilalang ay nagmula sa mga one-celled organism o organismong nagtataglay lamang ng isang selula.
Ang konseptong Creationism ay nagiging bahagi na rin ng mga paniniwalang sumasalungat sa teoryang ebolusyon.
 NATURALISTIC EVOLUTION
              Sa pangkalahatan, ang ebolusyon ay tumutukoy sa anumang pagbabagong nagaganap sa loob ng mahabang panahon. Sa konteksto ng biyolohiya, ito ay ukol sa mga pagbabago sa katangian ng isang nabubuhay na organismo sa loob ng mahabang henerasyon, kabilang na ang paglitaw ng panibagong species nito. Ang isa sa kauna-unahang nagtaguyod ng teorya ukol sa ebolusyong biyolohikal ay si Jean-Baptiste Lamarck, isang French naturalist, noong unang bahagi ng ika-19 na siglo. Subalit ang kanyang kaisipan ay hindi kaagad tinagkilik ng publiko.
Noong 1858, dahil sa mga pananaliksik nin Chales Darwin at Alfred Russel Wallace at sa paglabas ng aklat ni Darwin noong 1859, ang  teoryang ebolusyon sa pamamagitan ng natural selection ay lubusang nakilala. Ang natural selection naglalarawan sa isang proseso kung saan ang mga indibidwal na nagtataglay ng pinakaangkop na katangian ay nabubuhay at dumarami nang mas mabilis kung ihahambing sa iba.

 
Sina Darwin at Wallace ay parehong English naturalist. Ang aklat ni Darwin na On the Origin of Species by Means of Natural Selection ay isa sa mahahalagang akda ng biyolohiya. Nakapaloob dito ang kanyang karanasan sa paglalakbay, lulan ng barkong HMS Beagle noong dekada 1830. Ang terminong “ebolusyon” ay tumutukoy rin sa
 Sa teoryang ang lahat ng uri ng mga nilalang ngayon ay nagmula sa iisang ugat o ninuno, ang unag organismong may iisang selula. Gayundin, ang mga nilalang ay nagmula sa mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng hindi tukoy, hindi sinasadya, at likas na proseso sa mga panahong wala pang buhay sa daigdig. Nag lumaon, ito ay nagdulot ng mga pagbabago upang magkaroon ng mga kumplikadong anyong may buhay sa mga katangitanging paraan nang walang piling mutasyon o random mutation at likas na proseso ng pagpili o natural selection. Ang lahat ng ito ay naganap nang walang anumang kinalaman, tulong, o pakikialam mula sa isang “tagapaglikha”. Ang ebolusyon ay nagpatuloy sa pamamagitan ng mga puro at likas na puwersa lamang.
Ang naging modelo ni Darwin sa ebolusyon ay ang kaisipang “matira ang matibay” o
 “survival of the fittest” na tanggap ng mga makapbagong siyentista bilang isang katotohanan ng buhay. Sa kanyang mga obserbasyon at pinagsamang kaisipan ukol sa kompetisyon, ipinaliwanag niya kung paano maaaring maganap ang nay pagkakaiba-iba (variation) sa bawat indibidwal na uri ng nilalang. Ikalawa, sinabi na ang lumalaking populasyon ay maaraing mag-agawan sa lumiliit na suplay ng pagkain. Ang kompetisyong ito ay maaaring magdulot ng kapakinabangan sa isang indibidwal. Ito ay nauukol sa pananatili ng buhay at pagluluwal ng panibagong buahy kung ihahambing sa ibang indibidwal na walang ganitong katangian.
Ang pag-angkop sa kapaligiran ay isa ring paraan upang makatagal ang isang indibidwal. Dahil sa mga salik na ito, maaaring maganap ang ebolusyon sa pamamagitan ng natural selection.
Noong unang ipinanukala ni Darwin ang ebolusyon, maraming siyentista ang bumatikos sa teoryang ito. Subalit ang karamihan sa mga katibayang inihaharap ng paleontology, genetic, zoology, molecular biology at iba pang didiplina ay tila pumapabor sa kaisipang tao. Tandaan na ang ebolusyon ay teorya lamang, bagama’t kahika-hikayat na siyentipikong paliwanag ang teorya ng ebolusyon na maaring maging batas kung siyentipikong mapapatunayang lubos na katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
EBOLUSYON NG TAO
Ang usaping ukol sa eksaktong ugnayan ng tao, mga chimpanzee at gorilya ay nanatiling isang misteryo. Noon pa man, ang mga siyentista ay nasasadlak na sa mga kontrobersya habang tinutunton ang masalimuot na kasaysayang ebolusyon ng katauhan. Ang kwento ng tao ay nagsimula sa huling bahagi ng panahong heolohikal na Cenozoic era. Ito rin ay tinaguriang “panahon ng mga mammal.”
Sa halos malaking bahagi ng panahong heoloohikal, ang klima ng daigdig ay mas mainit kung ihahambing sa kasalukuyan. Subalit sa kalaunan, naganap naganap ang malawakang paglamig na humantong sa pagbubuo ng mg akimpal ng yelo o glacier. Mga 2.5 milyon B.P. nang unang umusbong ang tao sa tropikalna Africa. Nagbabago ang klima ng daigdig sa panahong ito. Ang mga pagbabagong ito sa klima ay nagpatuloy hanggang sa Quaternary Period  o Pleistocene Epoch na nagsimula 1.8 milyon B.P.
 Ito ay tinatawag ding “Panahon ng Sangkatauhan” o Age of Humanity sapagkat sa panahong nagsimulang lumaganap ang tao sa daigdig.
              Ang malaking pagbabagoo sa klima at kapaligiran noong Ice Age ay nagdulot ng mahahalagang kaganapan sa ebulosyon. Sa pagitan ng 4 na milyon hanggang 2 milyon B.P., naging maliit muli ang klima at mas matagalan kung ihahambing sa mas naunang panahon. Posibleng ang savanna ng Africa ang lugar na unang pinag-usbungan ng tao. Tumutukoy ang savanna sa lupaing pinagsamahang damuhan at kagubatan. Sa lupaing ito matatagpuan ang iba’t-ibang uri ng malalaki at maliliit na mammal. Kabilang sa mammal ang tao na nabibilang sa primate.
Panuorin ang video na ito https://www.youtube.com/watch?v=lvACd5fPTWg para sa ebolusyon ng tao.
MGA PRIMATE
Ang primate ay may dalawang sub-order — ang mga anthropoid (kabilang ang mga gorilya, tao, at unggoy) at mga prosimian (kabilang ang mga lemur at tarsier). Kabilang sa order ng primate ang family ng hominid o grupo ng mga ninuno ng tao at unggoy. Ang mga hominid ay may pagkakahawig sa pag-uugali at pisikal na katangian. Kabilang sa hominid  ang Homo sapiens at mga sinaunang tao at pongid, ang pinakamalapit na nabubuhay na kaanak ng tao na non-human primate. Maaaring ang tao at non-human primate ay nagmula sa iisang ninuno.
Subalit  kung ganoon na nga ang pangyayari, sa anong yugto ng panahaon humiwalay ang tao mula sa mga non-human primate? Magkakaiba ang kasagutan nng mga dalubhasa ukol ditto. Maliban sa pagsasabing ito ay ganap sa Africa, walang tiyak na makakapagsabi kung kailannga  naganap ito. Maliban pa rito, isang malaking kontrobersya pa rin ang ugnayan ng tao, chimpanzee, at gorilya. Gayunpaman, sang-ayon ang maraming biologist na nag chimpanzee ang pinakamalapit na kaanak ng tao. Tinatayang ang dalawang ito ay huling nagkaroon ng isang ninuno mga 7 milyon hanggang 6 na milyong taong B.P. na ang nakaraan.
Ang pagbaba ng isang uri ng primate mula sa mga puno ay nagdulot ng tatlong agarang suliranin. Una, naging mahirap ang kanyang paggala sa malawak na lupain lalo pa’t maging ang kanyang mga kamay ay ginagamit nya sa paglalakad (knuckle walking). Isang mahalagang pagbabago ay ang bipedalism o paglalakadgamit ang dalwang paa. Dahil ditto, lumaya ang mga kamay ng primate at nakalikha pa ng ibang bagay. Ang paglalakad ng mahabnag distansiya ay natugunan din nito sa pagkat mas kayang tumagal ang isang nilalang ang paglalakad sa ganitong postura kaysa nakayuko. Sa paglinang nng kakayahang maglakad gamit ang dalawang paa, tinatawag na itong hominid.
 Ikalawa, ang savanna ay hitik sa mga maninila o predator kung kaysa naging maligalig ang isang primate sa kanyang pagtulog. Isang sulosyon ditto ay ang paghahanap ng isang tirahan kung saan mananatiling ligtas mula sa maninila(predator). Ang tirahan ito ay makakapagbigay rin ng proteksyon sa primate mula sa init ng araw at lamig sa pagsapit ng gabi. Ikatlo, ang mga halamang-pagkain ay kalat sa malaking bahagi ng lupain kung ihahambing sa kagubatan. Dahil ditto, pinalawig ng isang primate ang kanyang mga pagkain, kabilang na rito ang karne ng hayop. Ito ay bunsod din marahil ng kasalatan ng halamang-pagkain sa loob ng mahabang panahon. Ang mga suliraning ito ay nakapagbago sa pag-uugali, gawi, at ebolusyon ng isang nilalang. Subalit tandaan na ang mga pagbabagong ito ay naganap sa loob ng mahabang panahon.
 MGA HOMONID
             Mahalaga sa pag-aaral na ito ang mga nahukay na fossils ng mga hominid upang patunayan ang proseso ng ebolusyon. Ang mga hominid ay tumutukoy sa mga kabilang sa pamilya (homonidae) ang bipedal primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao, ang mga nauna rito, at iba pang kauri nito. Sa pagitan ng 4 na milyon at 2 milyon B.P., ang mga savanna sa silanganang bahagi ng Africa ay pinanirahan ng iba’t iabng uri  ng mga hominid. Ang mga ito  ay hinati ng mga dalubhasa sa tatlong pangkat – ang ardipithecus ramidus na nabuhay 4.4 milyong taon na ang nakararaan.
 Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar,Ethiopia, na ardi na nangangahulugang ground floor at ramid na ang ibig sabihin ay root. Batay sa nahukay na mga labi nito,ipinapalagay ng mga arkeologo at antropologo na may taglay na katangian ng chimpanzee at tao ang Ardipithecus ramidus. Ang estraktura ng ngipin ay kahawig ng sa chimpanzee, samantalang tila bipedal na ito tulad ng tao. Ibig sabihin, ang mga paa nito ay akma na sa paglalakad kung ihahambing sa Paglalakad kung ihahambing sa paa ng mga chimpanzee na mas akma sa pagkapit sa mga puno.
    Ang Australopithecine ay hango sa wikang Latin na nangangahulugang southern ape.Ito ay unang kinilala ni Raymond Dart,isang anatomist o dalubhasa na nag aaral ukol sa estruktura ng mga nilalang na may buhay,sa South Africa noong 1925.Ang mga ito ay nagtataglay ng mga magkaparehong katangiang at bakulaw. Sila ang sinasabing mga ninuno ng makabagong tao.Ang ilan sa mga nahukay na butong kabilang ditto ay ang Australopithecus Africanus, Australopithecus Afarensis.Ang natuklasang si “Lucy” sa Hadar sa hilagang Ethiopia ay kabilang sa Australopithecus. Si Lucy ay may taas  lamang na apat na talampakan, may edad na nasa pagitan ng 19 hanggang 21 taon,bipedal,may kamay ng tulad sa tao,at may utak na kasinlaki ng sa chimpanzee. Sa kabila nito,walang patunay na siya ay lumikha ng kagamitan. Sa kabilang dako,ang mga species ng homo ay may mas malalaking utak kung ihahambing sa mga Australopithecine at may kakayahang makalikha ng mga kagamitan. Kabilang dito ang natuklasang Homo Habilis (2.5 milyon B.P. hanggang 1.5 milyon B.P.) tulad ng natagpuan sa Olduvai Gorge sa Tanzania nina Louis at Mary Leakey namay taas na 4 na talampakan at 3 pulgada. Ito ay ay bipedal at nagtataglay ng sumasalungat  na hinlalaki o opposable thumb na nagbibigay ng karagdagang kakayahan upang makahawak ng mga bagay at makagawa ng mga kasangkapan.  
         Nariyan din ang Homo erectus (circa 1.6 milyon hanggang 300,000 taon B.P.) na ang  pangalan ay hango sa katangian nitong mag lakad nang tuwid .Mataas at mas malaki ang utak nito kung ihahambing sa Homo habilis May taas itong 5 talampakan at 6 na pulgada ang pinakamatandang fossil ng Homo erectus ay ang nahukay sa Java Indonesia noong 1891. Tinawag itong Java Man o Taong Java na tinatayang may tanda na 700,000 B.P. kabilang din dito ang nahukay  na Peking Man o Taong Peking sa China noong 1920 na may tanda na 420,000 B.P. Sa Kenya, Africa,
Nahukay noong 1984 ang isa pang Homo erectus na tinawag na Turkana boy. Ang pinakahuling species sa ebolusyon ng tao ay ang Homo sapiens. Kabilang dito ang Homo sapiens neanderthalensis o Neanderthal (circa 200,000-30,000 taon B.P.) at Cro Magnon (45,000-15,000 taon B.P.) higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species. Nangangahulugan ito ng higit na kakayahan sa pamumuhay at paggawa na kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neaderthal sa pag lilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng Sining ng pagpipinta sa kuweba. Gayunpaman, sa labi ng Neanderthal, lumabas na isa itong hiwalay na species ng taong kaiba sa mgaumusbong na Homo sapiens.Tinawag itong Homo neanderthalensis. Ang modernong tao ay nabibilang sa mga Homo sapiens sapiens . Ang kakayahan ng Homo sapiens sapiens na makapagpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat gamit ang mas kumplikadong sistema ay isang mahalagang katangian ng makabagong tao.
THEISTIC EVOLUTION
         Umusbong marahil ang panibagong kaisipang tinawag na theistic evolution upang mapagtugma ang nag-uumpugang argumento ukol sa teorya ng pinagmulan ng tao.Para sa mga tagasunod nito, ang kalawakan ay tinatayang nagsimula 14 bilyong taon na nag nakararaan .Nilikha ng Diyos ang ang unang organismong may iisang selula (single-celled organism) at kinasangkapan ang proseso ng ebolusyon upang makabuo ng panibagong uri ng nilalang. Ang buong prosesong  ito ay humantong sa paglitaw ng mga tao . Ito ay isang paniniwalang naganap ang ebolusyon subalit ito ay pinasimulan at pinamahalaan na Diyos. Kabilang sa mga siyentistang may ganitong uri ng paniniwala ay sina Alfred Russel Wallace, Asa Gray, at Charles Babbage. Sa kontemporaryong panahon, kabilang sa mga taga tangkilik nito ay ang mga siyentistang sina Pierre Teilhard de Chardin, Ronald Fisher at Theodosius Dobzhansky.

Panuorin ang video tungkol sa dalayang teorya ng lesson na ito https://www.youtube.com/watch?v=wjf0pugotCs